Wednesday, October 16, 2013

FOR THE FINAL SHORT STORY


Sometimes in a battle of LOVE
One must surrender and give a way
Sometimes one must make sacrifices
And LET GO… fate brought into my life
Maybe to teach me lesson in life
Or maybe for  me to learn how to
Fight temptation………



          FORBIDDEN LOVE
  

Ito ay isang kwento tungkol sa isang dalaga umibig sa di tamang panahon. Si Jean ay hindi nakapag aral sa kolehiyo dahil di sapat ang kinikita ng  kanyang mga magulang, matalino at mabait si Jean. Dahil sa hindi sya nakapag aral nasa bahay lang sya at minsan kasama  sa mga kaibigan naglalakwatsa. Maraming kaibigan si Jean may mga lalaki din. At sa di nya inaasahan nahulog na pala ang loob ng isa nyang kaibigan hanggang sa naging sila ni Jean at nong kaibigan nya. Noong una maganda ang pa ang takbo ng kanilang relasyon kalaunan naging malabo na ito dahil sa umalis ang lalaki at nawalan na ng panahon sa kanya.Lumipas ang ilang buwan pasukan na naman, napagpasyahan ng magulang ni Jean na pag aralin sya subalit vocational course lang, pumayag naman si Jean.

Nakilala ni Jean ang mga kaibigan ng kaibigan niya na kapitbahay nya din ang mag barkadang RJ, TJ, Ethan, Jason at Jeff. Nakatawag pansin kay Jean si TJ dahil sa ka cute tan nito. Lagilagi sila nabobonding magkakaibigan kasama din ang pinsan ni Jean na si Kath. Naging malapit si Jean at TJ dahil crush din umano sya nito. Ang di nila alam ay may isang tao din palang lihim na nagkagusto kay Jean.Isang  araw di nito napigilan ang sarili at sinabi nya it okay TJ, si TJ naman ay agad nagbalita kay Jean. Naawa si TJ kay Ethan dahil malungkot ito palagi lalo na kapag masaya silang nag uusap ni Jean. Naawa si TJ kaya nakiusap it okay Jean na pansinin si Ethan kasabay ng isang paalala ‘wag na wag mong hayaang mahulog ang loob mo sa kaya dahil pag aari na sya ng iba’


Si Ethan noong nasa high school palang ay nagkaroon ng kasintahan at sa di inaasahan ay nabuntis nya ito, hindi natanggap ng mga magulang ng babae si Ethan kaya di sila hinayaang masama at naghiway at isang taon na ang nakakaraan. Lumis ang mga araw naging magkaibigan na magkalapit si Ethan at Jean lagi silang magkasamang namamasyal. Hanggang sa di na nila namalayang nahulog na pala sila sa isa’t isa at naging sila nga ni Ethan at Jean. Nasa pangalawang taon na si Ethan magtatapos na ito at si Jean ay nasa unang taon palang. Alam ni Jean na mali ang pinasukan niyang relasyon at nagdadalawang isip na itong makipag kalas kay Ethan lalo na noong nagbalik ang dati nitong kasintahan. Nanggugulo na ito at pilit na pinababalik si Ethan sa kanya. Naging mahirap at magulo na kay Jean ang sitwasyon. Mahal na mahal ni Ethan si Jean at ganoon din si Jean kay Ethan at nangangako si Ethan na di siya nito iiwan snaniwala naman si Jean dahil lage sya nitong ipinagtanggol lalo na doon sa panggugulo ng ex niya. Pero para kay Jean ang lahat ay mali parin kaya naisipan nitong iwasan si Ethan. Isang gabi maqy dadaluhang seminar siJean nakita nito si Ethan na nag aabang sa kanya di nya ito pinansin pinabayaan iya lang ito. Alas 9 na ng gabi natapos ang seminar ni Jean,agad nyang nakita si Ethan na andon parin nag antay sa kanya kaya nilapitan nya ito at kinausap bilang nagulat si Jean dahil di ito kumikibo at napansin ni jean na may mga hawak itong mga gamut at ang iba ay nagkalat na sa kinauupuan nito. Humingi ng tulong si Jean at nadala nila ang walang pakiramdam na si Ethan sa school dahil bukas pa ito at malapit lang sa pinangyarihan. Hindi nila dinala si Ethan sa ospital dahil natatakot sila kung anong gawin ng mga magulang nito lalo na kay Jean. Subalit ang isang gurong nasa school ay nagpumilit na ipaalam sa mga magulang ang nangyari kay Ethan. Wala sa plano ni Jean na ipaalam ito pero wala syang nagawa. Bago paman dumating ang mga magulang nito ay pinauwi na si Jean para di ito mapagalitan ng magulang ni Ethan. Dumating nga ang magulang ni Ethan at hinahanap si Jean galit na galit ang mga ito si Jean ang sinisisi nito. Ang totoo hindi umalis si Jean nagtago lang ito at di sya nakatiis at lumabas at hinarap ang mga magulang ni Ethan pinagalitan sya ng mga ito at pinagbantaan walng nagawa si Jean kundi umiyak humingi ng sori kahit alam naman nyang wala syang kasalanan.


Lumipas din ang mga araw pagkatapos ng nangyari nakipagkita si Ethan kay Jean at nag sori sa nangyari, kahit mali napatuloy parin ang kanilang relasyon pero takot na ang umiiral sa isip ni Jean at di na mabitawan pa si Ethan dahil ilang subok  na rin syang kumalas dito , ay ganon pa rin ang ginagawa ni Ethan magtatangka itong magpakamatay. Kalaunan lubusan ng nahulog ang loob ni Jean kay Ethan dahil na rin sa kabaitang ipinakita nito. Nagkakilala na rin si Ethan at ang mga magulang ni Jean at ganoon din si Jean sa pamilya ni Ethan. Mali man at hindi masyadong ok ang bawat mga magulang nila wala na rin itong nagawa. Masaya  man sila subalit di nila maiwasang mangamba dahil sa hindi pa rin tumitigil ang ex nito sa paghahabol kay Ethan. Minsan pa nga itong nag iskandalo at ipinapahiya si Jean. Masaktan man nagtiis pa rin si Jean dahil sobra na nitong mahal si Ethan.

Minsan ding pinagsabihan si Jean ng kanyang mga magulang na iwanan na si Ethan dahil wala itong magandang idudulot sa kanya at masasaktan lang sya dahil nga sa may anak na nga ito sa iba. Subalit matigas ng ulo ni Jean kasi nga sobra sobra na nitong mahal si Ethan. Wala ng nagawa ang pamilya ni Jean kaya hinayaan nalang sila. Nakatapos na si Jean sa pag aaral at nagpunta ito sa ibang lugar para magtrabaho. Habang si Ethan naman ay muling nag aral sa isang unibersibad para kumuha ng kursong pampropesyunal. Sila pa rin ni Ethan at Jean hindi parin sila nawalan ng panahon sa isa't isa. At ganon parin ang kanilang problema ang ex ni Ethan, naging malala na ito ginagamit na nito ang anak nila ni Ethan para lang bumalik ito sa kanya. Lumipas na ang mga taon nasa ikatlong taon na si Ethan at si Jean naman ay palipat lipat na din ng trabaho.hanggang  sa nakakuha ito ng trabaho sa malayo na syang simula ng pagkalabuan nila ni Ethan. Ilang buwan lang ang itinagal ni Jean doon at umuwi, dahil na rin sa kagustuhan ni Ethan. Laking gulat nalang ni Jean nang makita nyang nagbarkada na si Ethan at nag iba na ang ugali nito kaya kinausap nya ito subalit nasaktan lang si Jean sa tugon nito dahil sya ang sinisisi nito dahil iniwan nya raw ito, wala syang nagawa kundi umiyak nalang. Malaki ang ipinagbago ng kanilang relasyon di na ito tulad nang dati. Natanggap na rin si Jean sa inaaplayan nito at na assign  sa medyo malayo subalit ginawa ni Jean ang lahat na maging parang malapit lang ito, nagtiyaga syang magbyahe dalawang beses sa isang linggo kahit pagod sa trabaho. Ngunit isang araw bigla nalang tumawag si Ethan kay Jean at laking gulat nito ng sabihin ni Ethan na maghiway na sila hindi iyon insahan ni Jean nanlumo sya at umiyak ng umiyak, lumipas man ang mga araw ay malungkot pa rin si Jean. Subalit pilit parin itong  nag move on hanggang isang araw ay nabigla nalang siya ng tumawag si Ethan sa kanya’t  nagsasabing  “sorry kita tayo andito ako sa malapit sa working place mo” ayon si Jean na baliw na baliw kay Ethan nakipagkita at muli nagkaayos nga sila,mahal na mahal  nga kasi pa daw nila ang isat isa. Maayos na ang kanilang relasyon, lumipas na din ang mga buwan ng biglang napatawag si Ethan kay Jean nakasalit daw ito kaya umalis si Jean ng di man lang nakapag paalam ng maayos. Nakarating nga si Jean sa kinaroroonan ni Ethan at doon inalagaan nya ito. Hindi inaasahan ni Jean na aabot sya ng isang linggo at nahiya na syang bumalik sa kanyang trabaho kaya nagpasya nalang itong huminto dahil patapos na rin ang kanyang kontrata. Nagbalik nalang sya doon para kuhanin ang mga gamit nya. Napagpasyahan nalang niyang mapahinga muna at doon tumira muna sa kaibigan nya. Hindi naman naapektuhan ang relasyon nya kay Ethan dahil malapit lang naman sya kung saan si Ethan.

Maraming beses ding hindi sila magkasundo at nagkatampuhan subalit nagkabati naman agad ganon naman talaga di mawawala ang tampuhan. Halos buong panahon ni Jean ay umiikot lang kay Ethan halos hindi na nga sya umuuwi sa pamilya nya. Pero ok lang naman kasi mabait naman ang kanyang pamilya kaya wala syang problema dito, ang tanging problema  lang naman ay ang  patuloy na panggugulo ng  ex ni Ethan lalo na nong gamitin na nito ang anak nila kaya malaki na ngayon ang problema lalo na sa parte kay Ethan. Nagugulo na din ang isip nya kasi na brainwash na ang anak niya at galit na ito sa kanya limang taon na kasi yong anak nya. Lagi na malungkot si Ethan iyon ang napapansin ni Jean naawa nadin sya rito. Palagi na ding mainit ang ulo nito, naging mahirap na ang sitwasyon para kay Jean kasi kung tutuusin wala syang laban sa ex nito kasi kumpara sa kanya wala syang panlaban kay Ethan at kung gustuhin nitong iwan sya wala syang magagawa kaya inintindi nalang nya ito palagi kahit minsan ay nasasaktan na sya. Habang nagkukwentuhan sina Jean at Ethan ay napag usapan nila ang pagpunta ni Jean doon sa kapatid ni Ethan at doon na mahanap ng trabaho. Kaya kinaumagahan inihatid ni Ethan si Jean doon.agad na nakahanap ng trbaho si Jean at paminsan minsan dumadalaw doon si Ethan minsan lng sya nagpupunta kasi naging busy na ito dahil graduating na ito. Wala naming problema sa kapatid ni Ethan kasi mabait naman ito sa kanya.

Walang pasok sa trabaho si Jean kaya napagpasyahan nitong dumalaw kay Ethan dalawang arw sya doon. Habang andon sya may napapansin syang kakaiba sa kinikilos ni Ethan, nagtataka sya kung bakit ganon ang sweet nito sobrang maalaga.Habang kumakain sila ng agahan hindi na napigilan ni Jean na tanungin si Ethan.”Ethan anong nangyari bakit parang may kakaiba hindi ko maintindihan?”  “wala” tugon nito pero makulit si Jean kaya nang matapos na silang kumain ay kinukulit parin nya ito hanggang sa bigla itong matahimik nang itanong ni Jean ito “bumalik ka na ba sa kanya?” “oo” tugon nito. Hindi na nakaimik si Jean at unti unting mamula ang mga mata nito hanggang sa di na napigilan ang naghabulang mga luha nito na unti unti ng dumadaloy sa pisngi nya ngunit walang salitang lumalabas sa bibig nito. Agad naman itong nakita ni Ethan kaya agad syang inaamo nito at panay hingi ng sori at sabing “akala ko ok lang sayo at matatanggap mo”at nagsimula na rin itong umiyak. At nagsalita si Jean “oo akala ko rin, na kaya kung tanggapin pero ang sakit sakit pala kaya siguro hanggang dito nalang tayo” sabay pulot ng kanyang mga gamit at umalis habang patuloy pa din si Ethan sa paghingi ng sori at tawag sa kanya pero di na sya nakinig dito. Habang nakasakay umiiyak pa din si Jean nasaktan ng sobra si Jean kaya minsan umiinom ito at lihim na umiiyak hindi agad ito naka move on .Pagkalipas ng ang mga araw,may kakaibang napansin si Jean sa kanyang  sarili nahihilo sya at nasusuka at minsan ding nagkalagnat subalit di nya ito pinansin hanggang sa biglang sumagi sa isip nya na baka buntis sya. Noong may bakanteng oras sya ay nagpunta sya sa botika at bumili ng pregnancy test. At iyon nga positibo nga ang resulta. Gulong gulo na sya at di nya alam ano na ang gagawin nya kaya agad nyang ti next si Ethan at nadismaya lamang sya sa reply nito, wala ng pakialam si Ethan sa kanya at nagalit pa ito kung bakit daw sya ginugulo nito. Kaya wala na syang nagawa napaiyak nalang sya. Nalaman na rin ng kapatid ni Ethan ang sitwasyon noong una ok pa ang lahat subalit kalaunan nagbago na din ito. Dalawang buwan ng buntis si Jean hindi na maganda ang pakikitungo ng kapatid ni Ethan sa kanya lalo na ng nagpunta ang pinsan ni Jean at doon din nakituloy dahil di pa ito nakahanap ng matirhan. Naging mahirap na sa kanilang dalawa ng pinsan nya ang sitwasyon dahil ang pangit na ng ipinakita nito sa kanila at pinagtsitsismis na sila nito. Minsan din may nag sabi kay Jean kaya daw nasa bahay pa daw sya sa kapatid ni Ethan ay dahil daw naghahabol ito sa kay Ethan at baka din daw i blackmail ko din daw si Ethan lalo na ngayong gagradweyt na daw ito, yon daw ang pinagsasabi ng kapatid ni Ethan sa mga kapitbahay. At di lang yon may mas malala pa hindi daw anak ni Ethan ang ipinagbuntis ni Jean kundi sa ibang lalaki daw. Nasaktan sya ng lubos kaya napag usapan nina Jean at pinsan nito na umalis na lang. Nakaalis sila bitbit ang sama ng loob para sa nga ito.nakalipas na ang ilang buwan unti unti ng lumobo ang kanyang tiyan at nangangamba sya na baka mahalata ito ng mga boss nya sa trabaho ingat na ingat sya ng  di mapansin ito. Limang buwan na ang tiyan nya ng di maiwasan at nalaman nga ito ng boss nya kaya pinatawag sya nito at ipinaliwanag naman nya ito ng mabuti, laking pasalamat nalang nya at pinapayagan parin syang mag trabaho at mag file lang ng live pag manganak na sya. Malapit na ang pasko walong buwan na ang tiyan nya at di pa rin alam ng mga magulang nya ang kalagayan nya nag aalala na sya. Matatag si Jean kaya pinaninindigan nya ang lahat kinaya nya ang lahat ng mag isa. Kaya nagdesisyon na syang ipaalam ang lahat sa pamilya nya at inihanda ang sarili sa kalabasan maging nedatibo man ito. Una nyang ipinaalam sa kapatid nya babae na nag aaral sa malayo at ok tanggap sya nito. Hindi nya alam paano nya ipaalam sa magulang nya nag aalala sya kaya gumawa nalang sya ng sulat na ang laman ay sori at sinabi din doon ang lahat. Dumaan na ang mga araw at wala pa ring sagot ang kanyang sulat at inaakala na ni Jean na di na sya matatanggap na pamilya nya kaya hinayaan nalang nya at tinatagan lalo ang sarili.

Isang araw biglang may nagtext sa kanya at di nya inaasan ang kapatid niya sa probinsya at ang sabi “ok lang yan umuwi ka sa pasko hihintayin ka namin” napaluha si Jean ng mabasa nya ang mensahi at sa wakas naibsan na din ang bigat sa dibdib ni nya. Pagsapit ng pasko at ng bagong taon ay umuwi nga sya kasama ang kapatid nya. Naging masaya ang pagdiriwang nila. Enero na buwan kung kalian manganganak na si Jean at excited na ito kasi sabi ng OB nya babae ang magiging anak nya. Nag file na din sya ng live isang buwan lang. Nag stay sya ng isang linggo sa probinsya, at nagpunta sa city para manganak di na sya nagpasama kasi ayaw nyang maging pabigat sa mga magulang nya. Nag rent sya ng isang maliit na kwarto katabi sa tinutuluyan ng kaibigan nya. Isang araw lang at manganganak na sya humingi lang sya ng tulong sa kaibigan at dinala sya nito sa isang malapit na paanakan. Kapatid lang ng kaibigan nya ang nagbabantay sa kanya. Nanganak nga sya ng mag isa. Isinilang nito ang isang napakagandang anghel na batang babae. Agad nya itong ipinaalam sa pamilya nya at ganon na ri sa kapatid ni Ethan. Dumating ang mga magulang nya subalit ni isa sa pamilya ni Ethan ay di nagpakita o nagpunta. Isang lingo sila do’n dahil kailangan pang obserbahan ang anak nya kasi matagal itong lumabas dahil nahirapan si Jean sa panganganak. Nagkanda hirap sila dahil malaki na ang gastos nila at babayarin. Nahirapan din silang makalabas dahil kulang ang pambayad nila. Lihim syang nasasaktan sa nangyari, humingi din sya ng tulong sa kapatid ni Ethan subalit hindi sya nito tinulungan. Buti nalang at nakautang si Jean sa boss nya kaya nakalabas sila at maayos na nakauwi at sa awa na rin ng Diyos. Pagkalipas ng isang linggo ay bumalik na si Jean sa trabaho kahit tatlong lingo pa lang ang anak niya. Subalit kailangan niya iyong gawin alang alang sa anak nya kasi hirap na din sila at kailangan nya din bayaran ang utang nya sa boss nya. Ayaw kasi nyang naging pabigat sa pamilya.

Anim na buwan nang nakalipas simula ng mag trabaho si Jean, anim na buwan na din ng muli nyang makita ang anak. Unti unti na rin syang nakabangon at nababayaran na ang mga utang niya. Samantala, nabalitaan din nyang magpaksal na si Ethan sa dati nitong kasintahan. Masakit man ang ginawa ni Ethan, pero hindi sya nito nag paapekto. Malaki ang galit ni Jean kay Ethan dahil di man lang nito nagawang kilalanin ang anak niya. Mahabang panahon na din ang lumipas isang taon na ang anak nya. Isang araw ng biglang may nag text sa kanya, “Jean usap tayo may gusto lang akong liwanagin, Ethan” nagulat si Jean sa nakita at nabasa.

Hindi agad nagreply si Jean di nya alam kung anong mararamdaman naguluhan sya. Galit sya yon ang nasa isip nya kaya nakipagkita sya dito. “nagpunta ako ditto para makausap ka, gusto kulang humingi ng sorry, OK na ang buhay ko ayaw ko ng gulo”yon ang sabi ni Ethan. Nasaktan man wala syang nagawa at dahil sa galit nga sya sinumbatan nya lang ito at nadismaya lang sya dahil walan itong tugon, walang emosyon si Ethan ni hindi ito nangamusta man lang tungkol sa anak nya. Hindi nya ito pinatawad at umuwi. Nang nakauwi na sya napag isip isip ni Jean na etext ito ng ganito “OK pinapatawad kita kung yan ang magpapasaya sayo, subalit promise me one thing never ever showed up in front of my baby because from this day we will forget you and you’re already died for us. Thank you for everything.”

Each been almost 4 years passing by, nagsimula na ring mag aral ang anak ni Jean and she still working at the same time she’s studying. She fully recovered nakamove on sya. Masaya na rin sya sa buhay nya at kuntinto na sya sa kung anong mayroon sya. She still a determend and strong woman. She is very proud now na nalagpasan nya lahat ng trial ng buhay nya. She make God the center of her life. She is now a woman who is fully armed to face those coming obstacle in her life.

 And about Ethan, Ethan ngayon daw ay isa ng pulis. Minsan sa buhay akala natin we look like crystals na kumikinang, akala natin ang saya na ating nararamdaman ay walang ng katapusan pero, hindi kasi ang buhay ay para ring gulong.

Sa pag ibig kadalasan nagiging bobo ang isang matalinong tao.Pag nagmahal ka kasi ng totoo parang lahat akala mo tama di mo na nakikita na nasa mali kana pala. Minsan nagmamahal tayo sa taong pagmamay ari na din ng iba and we insisted that it is alright kasi sabi nila love is blind yeah totoo kasi minsan nagiging makasarili na tayo di na natin napapansin, nakakasakit na pala tayo ng damdamin ng iba at huli na ng malaman nating mali tayo. Sana din if we love somebody hindi natin kalimutang mahalin muna ang sarili natin at magtira tayo sa sarili natin so that if something goes wrong about our relationship di tayo lubhang masasaktan at agad tayong makabangon ulit hindi kasi lahat ng ginusto natin mapapasaatin. Kadalasan dumarating sila para sukatin kung gaano tayo katatag na sila’y harapin.

Life is full of trials and challenges and I believed that GOD never gives those challenges if he knows that we are weak to face it. GOD always guide us and give us strength to be able to survived in this world. He is only the one who owns us.  


                                                           END

No comments:

Post a Comment