Friday, September 20, 2013

THIRD WEEK



MAPAGMASID KA KAIBIGAN
ni Sheryl lou  Mandriza


\Oh! Kaibigan iyong
 pagmasdan
Kay daming basurahan
Bakit  basura mo’y itinapon
Mo lang kung saan.
Wag kang bastos at pulutin mo yan.

 
Maawa ka naman sa mga tagalinis
Nitong ating paaralan
Di porket ika’y mayaman
At anak ng may kapangyarihan

Isipin mo naman ang kalikasan
At sa mga taong nahihirapan
Dulot ng  ating kapabayaan
 Galit na ang kalikasan
 di mo ba nararamdaman?

Ang dati’y liwanag ng araw
 ay maaari pa tayong maghabulan.
Ngayon umaga pa lang
takot na tayong masinagan
Dahil sa sobrang init
 na ating maramdaman.

 



Kaibigan tayo’y  magtulungan
Walang mahirap dito o mayaman
Lahat tayo’y maaapektuhan
Sa  kung ano mang mangyayari sa ating kapaligiran.
Gumawa tayo ng paraan para maibsan
Ang nagbabadyang unos sa galit ng inang kalikasan
Oh! Kaibigan baguhin mo na ang iyong nakagawian


No comments:

Post a Comment